‘Boys Over Flowers’ actor Kim Bum payag bang makatrabaho si Lee Dong Wook?
Makakasama ang “Boys Over Flowers” actor na si Kim Bum sa bagong drama series ng Korean superstar na si Lee Dong Wook na “Tale of Gumiho” sakaling tanggapin nito ang project.
Ayon sa kanyang agency na King Kong by Starship, “While it is not yet confirmed, Kim Bum is in talks and considering participation in tvN’s The Tale of Gumiho.”
Bukod sa “Goblin” male lead star na si Dong Wook, kasama rin dito ang in demand actress na si Jo Bo Ah.
Ang nasabing serye ay tungkol sa gumiho na si Yi Yeon na minsang naging diyos ng Baekdudaegan Mountain Range. Ngayon, ang trabaho niya ay ang katumbas ng isang public official sa mundo at sa underworld. Ang karakter na ito ay gagampanan ni Dong Wook.
Ang role naman ni Jo Bo Ah ay isang production director sa isang programa tungkol sa mga urban legend na naghahanap ng ebidensya na magpapatunay na totoo ang gumiho.
Hindi pa malinaw kung anong role ang ibinibigay kay Kim Bum sa drama series.
Kasalukuyang nasa mandatory military service ngayon si Kim Bum at inaasahang madi-discharge sa susunod na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.