Mala-doberman na ina ni aktres ‘di umubra sa BF ng anak

Sino nga si mommy?

MAY kuwento ang aming source kung bakit huminto na sa pagdalaw sa bahay ng kanyang girlfriend ang isang kilalang male personality. May dahilan ‘yun.

Para maipakita niya sa pamilya ng kanyang girlfriend na maganda ang kanyang intensiyon ay nagpupunta nu’n ang lalaki sa bahay ng babae.

Kuwento ng aming source, “Ganu’n naman talaga, di ba? Dapat, dumadalaw ang lalaki sa house ng girlfriend niya. Ganu’n naman ang ginawa niya nu’ng una, pero itinigil niya na, dahil hindi naman maganda ang ipinakikita sa kanya ng mommy ng girl.

“Saan ka naman makakakita ng nanay na habang nag-uusap ang anak niya at ang guy, e, nagbabantay? Naku, mismo! Nandu’n siya habang nagkukuwentuhan ang dalawa!

“Kulang na nga lang na maggantsilyo siya habang nasa bahay nila ang male personality. Talagang hindi siya umaalis, bantay-sarado talaga siya sa dalawa!” unang chika ng aming impormante.

Habang nandu’n sa kanilang bahay ang lalaki ay saka rin pinagagalitan ni mommy ang kanilang mga kasambahay. Ipinaririnig talaga nito sa lalaki ang kanyang pagtataray.

“Ikaw man ang lalaki, hindi ka ba magiging uncomfortable kapag ganu’n ang mga maririnig mo? Maaasiwa ka, siyempre, di ba? Pero ganu’n talaga ang ginagawa ni mommy habang nandu’n sa kanila ang boyfriend ng anak niya!

“Pinagagalitan niya ang mga kasambahay nila, nagdadabog siya, talagang ipinaririnig pa niya sa lalaki ang mga kuda niya! Natural, kapag ganu’n, e, magpapaalam na lang ang lalaki!

“Palaging ganu’n ang ginagawa ni mommy, kaya mula nu’n, hindi na siya nagpupunta sa house ng girlfriend niya, nagde-date na lang sila sa labas,” kuwento pa ng aming source.

Pero ngayon ay wala nang problema. May sariling mundo na ang male personality at ang sikat niyang girlfriend. Magkasama na sila sa isang bubong ngayon.

Buwelta ng aming impormante, “Wala na siyang magagawa ngayon, magkasama na ang guy at ang anak niya! Nalusutan siya, samantalang para siyang doberman sa pagbabantay sa anak niya!

Kailangan n’yo pa ba naman ng clue kung sinu-sino sila, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday? Waley na!

Read more...