Agot tatakbong senador kaya nag-iingay: I’m just exercising my freedom, my rights

NANINDIGAN ang matapang at palabang Kapamilya actress na si Agot Isidro sa kanyang mga ipinaglalaban para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Ayon kay Agot, hindi siya natatakot sa mga bashers at haters na bumabatikos sa kanya, lalo na sa mga kumokontra sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa isang panayam, sinabi ng aktres na 28 years na siyang Kapamilya at naniniwala siya na mabibigyan pa rin ng bagong prangkisa ang TV network. Aniya, malaking tulong ang patuloy na panalangin ng bayan para sa ABS-CBN.

“I think may mga proseso na naman na nangyayari na a lot of people have been supportive of the granting of the franchise. I’m very, very positive, feeling ko na maga-grant,” ani Agot.
Diretso namang sinagot ng aktres ang tanong kung may plano ba siyang tumakbong senador sa susunod na eleksyon kaya siya nag-iingay at lantaran kung maglabas ng opinyon tungkol sa Duterte.

“Ganun? E, di sana ginawa ko na ‘yan last election. I am just a taxpayer, I’m a citizen of the Philippines. So I’m just exercising my freedom and rights.
“Wala (akong planong tumakbo). Ang dami kong ginagawang ngayon,” aniya pa.

 

Read more...