Claudine umaming inaatake uli ng depresyon…nagpasalamat kay Gretchen

IBINALITA ni Claudine Barretto sa kanyang social media followers na unti-unti na naman siyang inaatake ng depresyon.

Hindi nagbigay ng rason ang aktres kung bakit nalulungkot at “feeling down” siya nitong mga nagdaang araw pero natutuwa siya dahil maraming netizens ang nagparamdam ng malasakit at pagmamahal sa kanya.

Isa na nga rito siyempre ang ate niyang si Gretchen Barretto na patuloy na umaalalay sa kanya kapag meron siyang mga problema.

 

Narito ang Instagram post ni Claudine, “I just want to honor my ate for wanting and helping me be the best version of myself.

“I’ve been feeling down lately and depression is starting. My ate always knows what to do and what to say and I am blessed. Thank you will never be enough. I love you @gretchenbarretto.”

Sinagot naman siya ni Gretchen ng, “I love you so much, you were my first baby ever. Be well. We all need and [love] you so much.”

“Mom needs you too and JJ. Do not ever give up my baby girl,” dugtong pa niya.

Kung matatandaan, ibinandera ng magkapatid noong February, 2019 na okay na okay na sila matapos ang ilang taong hindi pagkakaintindihan.

Naging kontrobersyal uli sina Gretchen at Claudine nang makaaway nila ang kapatid na si Marjorie sa mismong burol ng kanilang ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikipagbati si Marjorie sa mga kapatid. 

Read more...