Marco Sison itotodo ang powers sa ’80s SaturDATE’

GOOD news para sa mga fans ng legendary balladeer na si Marco Sison!

Sa unang quarter ng 2020, isang series of shows ang gagawin ng OPM icon sa Teatrino sa Promenade, Greenhills. Magaganap ito sa Marso 14, 21 at 28 na pinamagatang “An 80s SaturDATE With Marco Sison.”

Sa direksyon ni Calvin Neria at musical direction ni Bobby Gomez, isang must-see musical spectacle ang “80s SaturDATE”.

Sa kanyang kamangha-manghang karera na tumatakbo na ng mahigit apat na dekada, kinikilala si Marco hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo bilang isa sa mga haligi ng OPM. Sino nga ba ang makakalimot sa kanyang mga hit songs tulad ng “My Love Will See You Through,” “Si Aida, O Lorna, O Si Fe,” “I’ll Face Tomorrow,” “Make Believe,” at marami pang iba.

Ang “80s SaturDATE” din ang highly-anticipated follow-up project ni Marco matapos ang kanyang matagumpay na kolaborasyon kasama ang kapwa iconic artists na sina Rey Valera at Dulce sa kanilang “Beyond Timeline” concert late last year sa isang SRO crowd sa Music Museum.

Live na live niyang aawitin ang mga homegrown ballads ng dekada 80, anthemic love songs, at sa kauna-unahang pagkakataon aawitin niya ang mga dance tunes ng dekada 80 upang tumodo sa party ang mga manonood.

“Very excited ako to perform in this series. Masaya ito dahil very intimate venue ang Teatrino and his will give me the opportunity to bond and interact with the audiences. I’m looking forward to spend my Saturdays with my fans and perform with my special guests,” aniya Marco.

Special guests sa concert sina Dulce at George Castro sa Marso 14, Rey Valera sa Marso 21, at Kuh Ledesma sa Marso 28.

This is produced by Echo Jham Entertainment. For tickets call TicketWorld (8891-9999) o bisitahin ang www.ticketworld.com.ph o kontakin ang Music Museum at 87212949 or 87216726.

Read more...