Hirit nina KZ at TJ: Hindi pa po kami kasal!

KZ TANDINGAN AT TJ

Nilinaw ng boyfriend ni KZ Tandingan na si TJ Monterde na hindi pa sila kasal.

“Hello sa lahat ng nagta-tag sa akin. Thank you po sa mga congrats pero engagement shoot pa lang po ‘yun. Wala pa ang mismong kasal,” paliwanag ni TJ sa social media.

Ito ay matapos kumalat ang chikang nagpakasal na sila sa Japan kung saan kinunan ang prenup photos. Inakala ng marami nilang friends at followers na doon sila nagpakasal.

“Advance sila mag isip eh.”

“Sabi ko na nga ba eh prenup lang. Haha!”

“Ayy hehe mali din kasi yung nagpost nang picture nyo na yan. napa congrats tuloy ang karamihan.”

“Sanay na Kasi kami sa secret weddings.”

‘Yan ang ilang reactions ng fans ng dalawa sa social media.

Read more...