Sarah: Tunay na pagmamahal ang kukumpleto sa ‘yo, perpekto ka man o hindi

VIRAL ngayon ang ilang hugot video ni Sarah Geronimo na kuha sa mga nakaraang concert niya, kabilang na ang makasaysayang crying and breakdown scene niya sa kanyang 15th anniversary concert.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang controversial secret wedding nina Sarah at Matteo Guidicelli at ilang Popsters ang naghalungkat ng past videos ng singer-actress kung saan nagpahayag siya ng kanyang emosyon tungkol sa personal niyang buhay.
Isa nga rito ang viral at naging top trending topic pa worldwide sa Twitter last year, ang video ni Sarah sa kanyang 15th anniversary concert tour sa US. Dito napahagulgol ang asawa ni Matteo habang nagpe-perform.

“Ito na pala ‘yun. It hit me. ‘Yung mga napapanood ko na videos ni MJ (Michael Jackson), ‘yung sigawan, ‘yung palakpakan ng tao. Minsan may naluluha pa, gusto kang mahawakan lang.
“Grabe po. I realized na hindi po pala ako handa doon. Ginusto ko pong maibahagi ‘yung talento ko pero hindi po talaga ako handa doon sa hinihingi ko.
“Lalong-lalo na ‘yung pressure to always do good, maging role model ka, maging perpekto ka. Mahirap po,” umiiyak na pahayag ni Sarah.

Pagpapatuloy pa ni Sarah, “I’ve been asking myself bakit I feel empty. Hindi ‘yung successful na shows o mga hits ang makakapagkumpleto sa’yo at ang makakapagpasaya sa’yo bilang isang tao, kundi ‘yung tunay na pagmamahal na hindi na nagbabago perpekto ka man o hindi.”

Sa kabila ng ginawang panunugod ni Mommy Divine sa kasal nina Sarah at Matteo, cool na cool pa rin ang bagong kasal. Mukhang hindi naman sila masyadong affected sa iskandalong nangyari.

Sa katunayan, enjoy na enjoy ngayon sina Mr. & Mrs. Guidicelli sa pamimili ng mga gamit sa bahay. Talagang kinakarir nila ang buhay mag-asawa matapos ang ilang taong pakikipaglaban para sa kanilang pagmamahalan.

* * *

Read more...