Matteo, Kiefer hinamon ni Derek: Kayo ang next victim

Speaking of Matteo, isa ang athlete-actor sa gustong maka-showdown ng Kapuso hunk na si Derek Ramsay para sa kanyang vlog. Ang isa pang hinamon niya ay ang basketball player na si Kiefer Ravena.

Kamakailan ay nag-launch si Derek ng bagong series sa kanyang vlog na pinamagatang “One More Rep” na mapapanood na sa You Tube.

Dito makakaharap ni Derek ang iba’t ibang challengers sa iba’t ibang sports at fitness routines.

Una niyang hinamon si Papa D, na nakilala ng netizens bilang all-around guy sa kanyang vlog. Naging driver, singer at waiter na si Papa D sa past vlogs ng Kapuso actor.

Nag-shoutout din ang boyfriend ni Andrea Torres sa mga gusto niyang makasama sa kanyang vlog, “I challenge the next victim to come out and work out with me. Hopefully, Matteo Guidicelli. If your back is okay, come workout with me.

“Kiefer (Ravena), I want you. One-on-one on the basketball court. I know you’ll beat me but I’ll give you a good run for your money.

“To anybody who wants to challenge me, come workout with me. Let us know,” panawagan pa ni Derek.

Read more...