Lorna inaatake pa rin ng matinding lungkot dahil kay Daboy

RAMDAM ang kalungkutan ni Lorna Tolentino nang mapag-usapan ang yumao niyang asawang si Rudy Fernandez at ang paglilipat niya ng mga gamit nito dahil sa reconstruction ng kanilang bahay.

Halos 12 taon nang patay si Daboy pero hanggang ngayon ay inaatake pa rin siya ng matinding lungkot lalo na kapag naaalala niya ang maganda nilang pagsasama.

Kapag nag-iisa raw siya naiisip niya kung ano kaya ang itsura ni Rudy kung buhay pa ito sa edad na 68. “Ini-imagine ko yung mga ka-age niya, kung ano yung look niya by now, kung 68 na siya, ano na kaya ang hitsura niya,” ani LT sa renewal of contract niya sa Beautederm.

“Ini-imagine ko pa rin nung bago siya namatay. Yung look na iyon, yung hitsura niya. Lagi ko naman sinasabi, si Rudy, si Daboy yung pinakamabango, pinakamalinis.

“Naku, sigurado, endorser ng Beautederm yun, for sure, kasi talagang siya yung makikita mo na walang hindi bagay sa katawan, sa mukha niya.

“And talaga naman banidoso rin si Rudy, kaya I’m sure, mame-maintain niya yung look na iyon kung buhay pa siya,” sabi ni Lorna na isa sa mga local celebrities na nakatagpo ng fountain of youth dahil parang hindi ito tumatanda.

Mas nalungkot pa ang Grand Slam Queen nang mapag-usapan ang paglilipat niya ng gamit ni Daboy dahil sa reconstruction ng bahay nila sa Quezon City.

“Hindi na mawawala yun (lungkot), lalo na ngayon kasi maglilipat ako. Yung mga gamit niya, kailangan ko na talagang i-pack at ilipat sa office namin sa Sct. Rallos (Quezon City). Nandoon ang lahat ng mga gamit ni Daboy,” aniya.
Ibinalita ng award-winning actress na ipagagawa na nila ang bahay nila sa Quezon City para makapagpatayo rin doon ng sariling bahay ang mga anak na sina Rap at Renz Fernandez.

Nape-pressure na nga raw siya dahil may kausap ng architect si Renz na gagawa sa ipatatayo nitong bahay sa kanilang compound, “Nape-pressure ako, kasi si Renz, meron nang arkitekto.

“Kasi idi-divide namin yung main house. So, nape-pressure akom ‘May architect na ako, Ma! Kausapin mo.’ ‘Sandali, kailangan collaboration tayo,'” ani Lorna.

Hirit pa niya, “May kakausapin ako na architect for me. Makikipag-meeting ako para sabihin sa kanila papaano namin gagawin na meron siyang sarili niya, meron akong sarili ko.

“Ngayon ko lang naisip din na ang kailangan sa akin, more of a senior-friendly home. Dumarating tayo sa point na mahihirapan na tayong umakyat ng hagdanan, so sana, one level lang yung sa akin,” lahad pa ng kontrabida ni Coco Martin sa Ang Probinsyano.

Samantala, ang collaboration sa pagitan ng Beautéderm at ni Lorna ay talagang matinidi sapagkat kapwa nilang kinakatawan ang highest ideals of quality, perfection, integrity, at hard work na nag-dedeliver ng finest results.

Ngayon, ipinagdiriwang ng Beautéderm ang isang buong dekada bilang isang trusted leader sa beauty and wellness industry, nalagpasan na nito ang 100 physical store mark na inumpisahan nito nuong 2019, at mula sa patented at milagrosong skin set nito para sa katawan at muka, patuloy ang brand sa pagdevelop at paglikha ng mga innovative at epektibong produkto gaya ng Spruce & Dash men’s line nito na kinabibilangan ng Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream; Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms; Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask; at Lad Hair Pomade.

Read more...