Sikat na aktor lagot sa terror na nanay ng nagugustuhang female star

MUKHANG nagkaroon na ng hugis ang sinasabing pagiging close ngayon ng isang young actor na magaling umarte at ng isang young actress na mula sa malaking pamilya ng mga artista.

Sa kauulot ng kanilang mga kasamahan sa isang dating seryeng pinagsamahan nila ay mukhang nabuhay nga ang interes nila sa isa’t isa.

Kuwento ng isang source, “Palagi namang ganu’n talaga. Kapag madalas na magkasama sa set, may nagiging resulta ‘yun. Nagkakakuwentuhan kasi sila, nagkakapalitan ng mga experience, kaya nagiging close sila.

“E, ‘yung dalawa, kagagaling lang nilang pareho sa break-up, di ba? Natural, nu’ng matagal-tagal na silang magkasama, e, naging open na sila sa bawat isa.

“At nagkakaroon pa ng extension ang ganu’n. Tapos na ang trabaho nila, e, nag-uusap pa sila sa phone, nagbibiruan, na nauuwi na sa totohanan,” unang kumpisal ng aming impormante.

May naging problema ang young actress sa kanyang ina. Maraming naaawa sa kanya dahil mismong mommy pa niya ang nangpapahiya sa kanya sa social media sa halip na ipagtanggol siya.

Patuloy ng aming source, “Handa na kaya ‘yung young actor na harapin ang problema kapag naging sila nu’ng magandang young actress? Sa umpisa, e, okey lang ang mommy nu’ng girl, pero kapag nagtagal-tagal na, e, siya mismo ang nagiging problema!

“Remember, naging kontrabida ang mommy niya sa relasyon nila nu’ng isang young actor na nakahiwalay niya, di ba? Kung anu-anong issue ang inilabas nu’ng mudra niya, nakakaawa ang young male personality, sa totoo lang!

“Hanggang sa silang mag-ina na nga ang nagkaroon ng problema. Sila na ang nag-away, sila na ang nagkaroon nang matinding gap!

“Grabe ang mommy ng girl, siya pa mismo ang nangpapahiya sa anak niya sa buong mundo! Instead na suportahan ang anak niya, e, siya pa ang nagdidiin du’n sa girl!

“Kaya nga bang harapin nu’ng magaling na young actor ang magiging kapalaran niya sa mommy ng young actress? Ibang klase ‘yun! May sariling mundo ang babaeng ‘yun!

“Siguradong makakatikim din siya sa babaeng ‘yun na wala yata kasing pinagkakaabalahang kahit ano, kaya ang buhay na lang ng anak niya ang pinagtitripan niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Kailangan pa bang i-memorize kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio? Getlak n’yo na agad kung sinu-sino sila!

Read more...