Coney istriktong nanay; napalaking maka-Diyos si Vico

CONEY REYES AT VICO SOTTO

Bago na ang schedule ng GMA Telebabad shows simula ngayong Lunes, March 2.

Una na sa timeslot ang airing ng Philippine TV adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Kasunod nito ang Anak ni Waray versus Anak ni Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Then, ang family drama na Love of My Life ng kinaiinisan ngayong senior actress na si Coney Reyes ang kasunod. Ang sarap abangan ng okrayan at tarayan sa series nina Carla Abellana at Rhian Ramos.

Speaking of Coney Reyes, aminado siya na isa siyang disciplinarian na nanay pero hindi naman sobrang istrikto na nakakasakal na.

Aniya, importanteng magkaroon ng magandang samahan ang magulang at anak at natutuwa siya na napalaki niya ng marespeto, matulungin at maka-Diyos si Pasig Mayor Vico Sotto maging maka-Diyos.

“If my children were younger, I was really much stricter, now I do not interfere because I just believe that I raised them in the ways of the Lord,” sabi pa ng veteran actress.

Read more...