Misis ni Calvin Abueva nagreklamo sa PBA: Bakit hindi pa rin siya nakakalaro, 9 months na siyang suspended

NAGREREKLAMO ang asawa ng basketball player na si Calvin Abueva na si Sam Abueva tungkol sa parusang indefinite suspension ng Philippine Basketball Association (PBA) sa cager.

Kinukuwestiyon ni Sam kung bakit 

umabot na ng siyam na buwan ang suspension ng asawa na nagsimula pa last year.

Kung matatandaan, noong July 2019 sinuspinde ni PBA Commissioner Willie Marcial si Calvin matapos ma-eject sa laban ng team niyang Phoenix Fuel Masters kontra TNT Katropa dahil sa kanyang “clothesline tackle” sa TNT import na si Terrence Jones.

Bukod dito, nakipagpalitan din siya ng maaanghang na salita sa aktres na si Maika Rivera, girlfriend ng Blackwater player na si Ray Parks.

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post ng mahabang mensahe ang misis ni Abueva at nagtatanong kung bakit umabot na ng siyam na buwan ang suspension ng PBA player. Dahil dito, apektado na raw pati ang pamilya nila sa Pampanga.

Narito ang kabuuang IG post ni Sam: “PARA SA LAHAT! Sana makarating sayo kung sino man ikaw?kayo? gusto ko lang sana malaman kung ano po ba ang basehan kung bakit hangang ngayon hindi parin nakakalaro ang asawa ko hindi pa ba sapat ang 9 na buwan para sa parusa na binigay niyo hindi pa ba sapat na lahat na apektuhan dahil sa pangyayare na to.

“Di pa ba sapat na pati 5 anak namin naapektuhan sa pangyayare na to di pa ba sapat na pati pamilya ng asawa ko sa pampanga nag sasakripisyo para dito?”

Pagpapatuloy pa niya, “’Di pa ba sapat lahat ng yan para anong kadahilanan pala gusto ko lang sana maliwanagan sa dami ng nakita ko na pangyayare sa bawat player na may ginawa na hindi sang ayon sainyo na mas malala pa sa nagawa ng asawa ko eh patuloy parin nakakapag laro.

“Nagpapasalamat din ako sainyo dahil sa pangyayare na to madami talagang natutunan ang asawa ko madami siya mga bagay na nabago lalo na sa pagsasama namin bilang mag asawa kaya gusto ko lang malaman ano pa yan sinasabi niyo na pinapagawa niyo saknya na kayo lang may alam bakit wala naman kaming alam sa sinasabi niyong pinapagawa niyo kaya hindi pa matapos tapos ito.”

“Pero sana maintindihan nyo may 5 kami anak na binubuhay.. hindi naman pwede naka hang lang kami hindi namin alam saan to papunta.

“Sana ibukas niyo nalang sa publiko sa lahat ng mga fans sa lahat ng mga taong sumusuporta sainyo gumagastos nag iipon ng pera para lang bumili at mapanuod ang mga iniidolo nila karapatan nila malaman at maging parte ng laban na to mas maganda gawin publiko ang mga bagay na sinasabi niyo na pinapagawa niyo mas magandang malaman ng lahat ang mga hakbang or paglilitis na sinasabi niyo kung bakit ganito katagal,

“At kung bakit pati ang invitation ng national team sa asawa ko ay pinipigilan niyo hindi ba karapatan niya yun na lumaro para sa bansa niya at itayo ang bandera ng pilipinas? Karapatan ng lahat malaman ang basehan nito sa totoo tayo! SALAMAT PO.”

Read more...