Ogie Diaz sa mga talent: Sabihin lang kung ayaw n’yo na sa akin

LIZA SOBERANO AT OGIE DIAZ

ANG pagkakaroon ng “spark” or sheer lack of it ang basehan ni Ogie Diaz kung bibigyan ba niya ng chance o hindi ang isang nangangarap maging artista.

Sa pagkakataong ito, hindi artista ang bagong alaga ni Ogie but also a celebrity in his own right. Ipinakikilala: Raffy Tulfo.

Walang hindi nakakakilala kay Raffy kung paanong ‘yon din ang pamosong linya ni Magnolia dela Cruz, pero baka nga pati aso knows him just as well mula sa daigdig ng sebisyo publiko.
Raffy, as well know, has become a byword among the hoi pol loi, championing their cause for better lives.

Unlikely person nga si Raffy para i-manage ni Ogie base na rin sa kanyang work history with his artists.

Early 90s pa noong magkakilala kami ni Ogie (Roger Pandaan in real life), then a budding movie reporter cum teen magazine editor.

Naging malapit siya sa manager na si Douglas Quijano (SLN) na pinagkunan niya ng inspirasyon to give artist management a try.

Late 90s noong sinubukan naman ni Ogie ang parehong larangan.

Kasa-kasama na namin si Ogie noong matuklasan niya si Liza Ranillo. And as fate would have it, hawak naman niya ngayon ang sikat na sikat na si Liza Soberano since 2012.

Before Liza S. came along, alaga rin ni Ogie ang komedyanteng si Tado until he perished in an accident. And of course, sino’ng hindi makakaalala na minsan isang panahon, dumaan din sa buhay ni Ogie si Vice Ganda na natisod niya sa isang comedy bar.

Now comes Raffy Tulfo as Ogie’s latest find bunga ng isang meeting nito lang Feb. 17 upon the recommendation of Cristy Fermin (kasama sa Radyo Singko).

Bago pa man ay excited na si Ogie to meet up with Raffy to discuss the scope of his managerial task. Nakapokus si Ogie sa mga commercial endorsements at promo campaigns nito. Raffy’s team takes charge of his existing deals.

In fact, may isinarang deal si Ogie with an undisclosed production house for a possible collaboration with Raffy.

With Raffy, simple rin ang panuntunan ni Ogie tulad sa kanyang mga alaga, “Sabihin mo lang, Sir Raffy, kung ayaw mo na sa akin.” This is to save the friendship sa kabila ng pagsasanga ng kanilang landas.

Ogie’s advice: Sir Raffy, know your market value.

Read more...