Kasalang ArMaine hindi isisikreto sa publiko, pero…

SIGURADONG hindi mae-experience nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang nangyari sa kasal nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Parehong tanggap ng kani-kanilang pamilya ang relasyon ng ArMaine – botong-boto ang Atayde family kay Maine at ganu’n din ang pamilya ng Dubsmash Queen sa anak ni Sylvia Sanchez.

More than one year nang magdyowa sina Maine at Arjo at naging masalimuot man ang pagsisimula nila bilang lovers, mas tahimik at mas matatag na raw ngayon ang kanilang relationship.

Sa nakaraang presscon ng Beautederm kung saan ni-launch si Arjo bilang ambassador ng Spruce & Dash (men’s products), tinanong ang aktor kung paano siya tratuhin ng pamilya ni Maine,

“Okay naman po, sobrang mabait din po ng family niya. Very welcoming din po and very protective rin po as well. I love them.

“Very mabait po sila, wala po akong masabi. Gayundin po ang mga kapatid niya. They’re very kind to me, very, very kind,” aniya pa.

Kung magpapakasal na sila ng girlfriend, isisikreto rin ba nila tulad ng ginawa ng AshMatt? “Hindi ko po… I’m very private. I want it more private for myself, for my family, for everyone. We’ll see, we’ll see.”

And yes, napag-uusapan na rin nila ang kasal at nakikita na rin niya si Maine bilang Mrs. Atayde, “Obviously, I’m of age already. Nothing to hide. Yes, we got to talk about it.”

This early, may sponsor na ang wedding reception nina Maine at Arjo, yan ay walang iba kundi si Rhea Anicoche-Tan, ang generous at napakabait na may-ari ng Beautederm. Willing din daw siyang maging ninang ng dalawa, in fact todo ang papuri ni Ms. Rhea kay Maine sa presscon ng Spruce & Dash at naniniwala siyang magiging mabuting asawa at ina ito in the future.

Kinumpirma rin ng binata na tapos ginagawa na niya ang script para sa pelikulang ipo-produce na pagbibidahan ni Maine.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Rhea Tan na ang Spruce & Dash collection ng Beautéderm ay bahagi ng on-going at agresibong effort ng kumpanya na i-develop at i-expand ang mga produkto nito.

“Beautéderm is celebrating so many milestones. We recently celebrated our 10th anniversary, our family which includes brand ambassadors, resellers, distributors, and users is growing stronger, and we hit our 100 physical store mark which we set last year.

“Isa na namang innovation ang Spruce & Dash na proud akong na-conceptualize at na-develop sa tulong ng aking fabulous team. Isn’t it nice to encounter and see a man who takes care of himself?

A man who is always fresh and smells good?” aniya pa.

 

Read more...