Music video ng ‘Tala’ ni Sarah naka-100M views na sa YT

Ilang araw matapos ang kanyang controversial secret wedding nila ni Matteo Guidicelli, isang blessing na naman ang natanggap ni Sarah Geronimo.

Pumalo na sa mahigit 100 million ang nakuhang views ng kanyang “Tala” music video sa YouTube! In fairness, iilang local artists pa lang ang nakakaabot sa 100 million mark kaya maituturing itong biggest achievement ng Popstar Royalty ngayong taon bukod nga sa kanyang pagpapakasal kay Matteo.

Nalampasan na nito nang milya-milya ang best performing music video niya sa YouTube nitong mga nakaraang taon, ang “Kilometro” na nakakuha naman ng mahigit 16 million views. Noong 2016 pa ni-release ni Sarah ang “Tala” pero noong 2019 lang sumikat nang bonggang-bongga!

Read more...