‘Vice hindi lumobo ang ulo kahit sikat na sikat na’

VICE GANDA

Napapayag si Raffy Tulfo na mag-guest sa “Gandang Gabi Vice” ni Vice Ganda.

“Pumayag akong maging guest dahil matalik na kaibigan po namin ng aking misis si Vice Ganda. Siya lang ang nakapagpagawa sa akin no’n,” say ni Raffy as quoted by a website.

“Kasi si Vice matagal na naming kaibigan ‘yan. Talaga namang siya ‘yung klase ng tao na kahit na saan siya makarating at saan ‘yung kanyang narating, marunong siyang tumingin sa kanyang pinanggalingan at hindi lumaki ang kanyang ulo,” dagdag pa ng matapang na broadcaster.

Kung hindi kami nagkakamali, this Sunday na ipalalabas ang episode with Raffy as guest. It would be interesting kung ano ang ipinagawa ni Vice kay Raffy na kailanman ay hindi niya ginawa.

Read more...