Fans na walang budget para suportahan si Maine nag-sorry

MAINE MENDOZA

NAKATUTUWA naman ang fans ni Maine Mendoza.

We’re saying this dahil nakita namin ang concern nila sa isa’t isa.

One @DumantayTeresa was sad dahil hindi niya afford na makabili ng ineendorsong lipstick ni Maine.

“Same tayo Hannah. I want to own Maine lippie kaso no budget for it. Sorry for myself. And sorry Meng hindi ako nakatulong sa sales ng iyong lipcolor at lip glass,” reaction niya sa tweet ni Hannah na wala ring pambili ng lipstick.

Agad namang nag-respond ang isang fan ni Maine na may Twitter handle na @KWMom02, “I can send you one. Just send me your forwarding address.”

Mayroon pang sumunod na fans na nagsabing hindi rin nila ma-afford ang lipstick ni Maine.

“Kaya lang wala din budget. I feel bad everytime I can’t support her,” say ni @tsiniteers28.

“Wow, kainggit naman po sana all, sna maexperience ko din po magkaroon ng MAC lipstick kya lng wla po tlaga ko pambili, mataas po kc ang BP ko ngaun 160/110, kya inuna ko muna pambili ko ng gamut,” @EleanorJLuna3 said.

Marami ang natuwa sa gesture ni @KWMom02.

“Aww! Salamat po, pagpalain kayo!”

“God bless po sa giving hearts nyo.”

“Sana oil… Ung gustong gusto mo bumili para irampa.. kaso nanay ka.. wala kang work…wala ka pambili.. saklap.”

Read more...