GMA 7 naghari muli sa unang 2 buwan ng 2020

NAGHARI ang GMA Network sa ratings ngayong buong January 2020 at patuloy pa rin itong nanguna ngayong February.

Ayon sa inilabas na data ng Nielsen, nakakuha ng 39.4 percent people audience share sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ang Kapuso network laban sa 32 percent ng ABS-CBN.

Palaki nang palaki ang agawat ng GMA sa ABS sa iba pang lugar tulad ng Urban Luzon at Mega Manila. Naka – 36.9 percent ang Siyete sa Urban Luzon ang GMA habang 29.3 percent lang ang ABS.

Pinakamalaking panalo ang nakuha ng Channel 7 sa Metro Manila (January hanggang February 15) na merong 37.8 per cent habang 27.1 percent lang ang nakamit ng Dos.

Numbers do not lie so patunay lang ito na mas pinipili ng mga manonood ang programa ng GMA Network.

Read more...