SUNSHINE CRUZ nagmakaawa kay CESAR: Ibalik mo na sa akin ang mga anak ko!

Nakakaawa si Sunshine Cruz. As we write this kasi ay hindi pa yata niya nakikita ang tatlo niyang anak. Nanawagan na nga si Sunshine kay Cesar Montano na isoli na ang kanyang mga anak.

“Telling your children that they won’t be able to see you forever once they come back to me is PLAIN CRAZY. It’s been a week! Return them to me,” sabi ni Sunshine sa kanyang Instagram account.

Nagbigay naman ng unsolicited advice itong si Paco Arespacochaga kay Sunshine na pag-usapan nila ni Cesar offline ang kanilang issue, bagay na ikina-react ng aktres.

“Offline? I have been texting him deadma pacs. Tagal ko na ngang tahimik. he even announced on IG na may boyfriend ako. May narinig ba kayo?” Sunshine retorted.

When somebody told her na baka nag-enjoy ang mga anak niya kaya medyo napahaba ang bakasyon. Ito naman ang sagot ng aktres, “Kapag nageenjoy reason po ba yan na hindi ibalik ang mga bata sa nanay at hindi man lang magsabi kung kelan babalik o kung may balak pang ibalik?” tweet pa ng aktres.

We hope na ma-resolve na ang issue between the ex-couple. Pero hanga kami dito kay Sunshine kasi never siyang nagpainterbyu gayong maraming issue sa kanila ni Cesar.

( Photo credit to Google )

Read more...