BILLY CRAWFORD sa mga tsismosa: Mukha ba talaga akong bakla?


Muling nagsalita sa The Buzz si Billy Crawford noong Linggo at tinawanan lang niya ang mga tsismis na naghiwalay sila ni Nikki Gil dahil lalaki rin ang hanap niya.

Bading daw ang TV host-singer-actor kaya tinapos na niya ang relasyon kay Nikki. Marami kasi ang nagpalagay na ang sinasabi niyang pagiging “confused” at “lost” ay may kinalaman sa kanyang gender.

Pero sabi ni Billy habang tumatawa, “Mukha ba akong bakla?”  Umalis na last Aug. 3 si Billy patungong Amerika para bisitahin ang kanyang pamilya at para hanapin ang kanyang sarili.

Pero aniya, hindi naman ang paghihiwalay nila ni Nikki ang tanging dahilan ng pagpunta niya sa US, “I dont think ‘yun ang habol nila. I think gusto nila akong makita. I haven’t seen them in a long time.”

( Photo credit to Google )

Read more...