Hayun! Engaged na nga sina Direk Dan Villegas at Direk Antoinette Jadaone makalipas ang ilang taong relasyon at pagiging partners sa napakaraming pelikula.
Nalaman namin ito nitong Huwebes nang hapon matapos banggitin ng ka-meeting namin na may kinalaman sa showbiz na engaged nga nga ang dalawa.
Ipinakita pa sa amin ang post ni direk Tonette na suot ang diamond heart ring na bigay ni direk Dan.
Kuha ang nasabing larawan sa Vatican City kung saan naganap ang proposal. Namgyari ito pagkatapos dumalo ang dalawang direktor sa trade event ng Bernilale Festival.
Sabi ng ka-meeting namin, “Parang baligtad ang pagkakasuot nu’ng singsing,” sabay pakita sa amin kung paano dapat ang pagsusuot ng engagement ring.
Masaya rin kami para kina direk Dan at direk Tonette dahil isa rin kami sa nangungulit kung kailan ba sila ikakasal. Feeling ko nga, nakakadagdag kami ng pressure sa kanila sa tuwing magtatanong kami about the wedding.
Ang lagi nilang sagot sa amin, “Wala pa, marami pang labada (projects), nag-iipon pa kami.”
Maging ang management company nina direk Dan at direk Tonette ay nag-post na rin tungkol sa naganap na proposal.
“Just before the love month ends! Congratulations to the newly engaged couple, our amazing directors @tonetjadaone & @danvillegas ! Love is truly in the air! Greetings from your Cornerstone Family!”