Tatay ni Sarah umamin: hanggang ngayon suportado pa rin niya kami

SARAH AT DELFIN GERONIMO

SABAY-SABAY ang pagsabog ng malalaking balita sa compound ng ABS-CBN sa Quezon City recently.

Una, maaga pa lang ay nagkaroon na ng prayer rally (na tinawag na Walk of Faith) ang mga artista, executives at empleyado ng Kapamilya network. Pitong beses silang umikot sa compound ng network na mala-Jericho March na ginawa sa Holy Bible ng warrior na si Joshua.

Naispatan sa “Walk of Faith” march ang stars ng teleseryeng “Pamilya Ko” at ang momshies ng “Magandang Buhay” na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros. After nito, ginanap nga ang prayer rally na pinangunahan ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Sa Senado naman sa Pasay City ay nagaganap ang hearing para sa franchise renewal ng ABS-CBN at kinagabihan ay nakadaan kami sa studio ng “Tonight With Boy Abunda” para sa live episode ng programa ni King of Talk Boy Abunda.

Tsika ni Kuya Boy sa TWBA, nag-taping ang kontrobersyal Popstar na si Sarah Geronimo sa “The Voice Teens Philippines” after her much-talked about secret wedding sa Taguig City. Pinuntahan ng staff ng TWBA si Sarah para subukang kunan ng comment pero tumanggi ito.

Kwento ni Kuya Boy sa TWBA, ‘di raw nakita sa studio ng TVTP ang ina ni Sarah na si Mommy Divine. Sinubukan din daw niyang tawagan ang mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli para kunan ng statement. Sinagot naman daw ni Matteo ang tawag niya at nag-dialogue ng, “Wait Tito Boy, I have to ask my wife first.”

Samantala, tinawag na gatecrasher si Mommy Divine nang bigla na lang itong sumugod sa reception ng wedding nina Sarah at Matteo base na rin sa kwento ng Viva boss na si Vic del Rosario (manager ng newlyweds). Parang ang sakit lang pakinggan para sa isang ina na tawaging gatecrasher sa mismong kasal ng iyong anak, ‘di ba?

Parang kailan lang, ang ganda-ganda ng mga sinabi ni Sarah sa kanyang magulang sa huling guesting niya sa “Magandang Buhay.” Naroon din sa show ang kanyang Popshie Delfin. Ayon sa kanyang tatay, sobrang bait na kapatid si Sarah dahil nakikita niya ang anak kung paano mahalin ang mga kapatid.

“Kahit mansan nagkakaproblema tayo, iba pa rin ‘yung pagiging kapatid mo sa kanila, e. Hindi matutumbasan. Pero kailangan kasi maging matatag tayo. Kami namang mga magulang mo siyempre gusto rin namin ‘yung lahat ng mga anak namin mapunta sa magandang buhay. Siyempre, sa pagpapamilya,” lahad ni Poshie Delfin.

“Siya (Sarah) rin, magiging magulang, magkakaroon din ng mga anak sa magiging pamilya niya. Siyempre, kailangan maganda, hindi pwedeng ipagpalit ang pamilya nang basta-basta,” dagdag pa niya.

Nangako naman si Sarah sa ama at sa mga kapatid maging kay Momshie Divine, that she will forever be grateful sa kanila at talagang mamahalin niya ang kanyang pamilya, “Kahit sino…kahit anong dumating sa buhay ko, hindi magbabago ‘yung pagmamahal at pagrespeto ko sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko, dahil pamilya ko sila.

“Number one family, so, text na lang. He-hehehe. Text na lang! Tapos, emoji na lang ‘yung iyak. Ha-hahaha. Pag family talaga, ever since, iba ‘yun, e,” naiiyak pang pahayag ni Sarah.

Aminado naman si Popshie Delfin na nabigyan sila ng magandang buhay ni Sarah, “Siyempre, sobrang pasalamat ako sa pagtitiyaga niya, sa pagsunod niya sa amin, dahil, hanggang ngayon, suportado niya pa rin kami. Talagang sobra niya kaming mahal, mga kapatid niya, tsaka kami na mga magulang niya.”

Pero ilang araw lang ang lumipas, comment ng netizens, tila nilipad na ng hangin ang mga sinabi ni Sarah. Anyare?

Read more...