Ivana nakuha na ang mana sa amang foreigner; nag-aral ng culinary para sa ‘asawa’

IVANA ALAWI

Ibinandera ng Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi na ngayon pa lang ay natanggap na niya ang pamana ng kanyang Moroccan father.

Aniya, sa kanya ibinigay ang mana at sa kanya nakapangalan ang lahat ng ito.

“Kasi apat kaming magkakapatid pero sa akin niya pinangalanan lahat,” chika ni Ivana.

“Kasi ano ‘yun eh sa daddy ko kaya hindi ko kino-consider na sa akin kasi hindi ko naman siya pinaghirapan. Para sa family ‘yun eh,” dagdag pa niya.

Sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice last Sunday, sinabi ni Ivana ang tunay na dahilan kung bakit siya pumasok sa culinary school.

“‘Yung dahilan kung bakit ako nag-culinary ay para sa asawa ko. Eh, kasi sabi nila a way to a man’s heart is through his stomach. Ang maging housewife, gusto ko ‘yun talaga,” proud niyang sabi.

Bibida na si Ivana sa sarili niyang teleserye sa ABS-CBN very soon na may titulong Ang Lihim ni Ligaya, “I feel so blessed kasi parang ang laking project na ‘to na ipinagkatiwala nila sa akin. I never expected kasi ever since I love Dreamscape Entertainment and they are the ones who gave me the opportunity na magkaroon ng show dito.”

Of course, looking forward ang kanyang male fans sa proyektong ito dahil siguradong magbibilad na naman siya ng kanyang kaseksihan dito kasama ang dati niyang ka-loveteam sa seryeng Mea Culpa na si Kit Thompson.

“Marami, maraming kissing scenes or ano. Feeling ko ah, pero I think iba siya sa mga nagawa namin sa mea Culpa,” ani Ivana.

Sa tanong naman kung anong klaseng image ba talaga ang gusto niyang ipakita sa madlang pipol, ito ang sagot ni Ivana, “Feeling ko, yung sa akin is, you can look, but you cannot touch.”

Read more...