“MEDYO nararamdaman ko na po ang edad ko.” Ito ang natatawang pahayag ng award-winning musician/rapper na si Gloc 9 sa patuloy na pagdating ng mas marami pang talented young artists ngayon.
Isa si Gloc 9 sa mga inspirasyon ng younger generation of music artists, tulad na lang nina JK Labajo at Lirah na pareho na niyang naka-collaborate sa mundo ng musika.
“Pero I think, siguro dahil matagal na rin po ako sa industry, doon ko rin po nararamdaman ‘yung worth na nailalagay ko sa craft ko for the past 23 years.
“I am very, very thankful sa respect ng fellow artists ko. Sana ay magawa ko pa ito nang mas matagal at sana ay maipasa ko rin, kung anuman yung mga natutunan ko, sa mga kasamahan kong artists,” pahayag ni Gloc 9 sa presscon kamakailan ng Padi’s Barkada Bar Tour 2020 kung saan makakasama niya si Lirah at ang magaling ding rapper na si Shanti Dope.
Ayon sa OPM icon, marami pa siyang gustong maka-collab in the furure, “Siyempre, nasa list ko pa rin si Sir Gary Valenciano and then, ang dami-dami ring… IV of Spades, sobrang galing. Si Shanti, nakagawa na sa kanila. Na-experience na ni Shanti ang galing ng mga yun.
“So, nakakagulat. I think, iyong mga bagong lumalabas na mga artist ay example ng escalation. Meaning, kung gaano kagagaling iyong artists before, pag may bagong lumabas na artist ngayon na well-versed o aral sa mga naunang artist, mas magaling pa talaga sila, e. So, parang ibang breed talaga, e. So, nakaka-excite!” aniya pa.
Samantala, wish naman ni Shanti Dope na makatrabaho soon si Regine Velasquez. Matagal na rin daw niyang hinahangaan ang Songbird at isang dream come true kapag nakapag-collab sila.
Speaking of Padi’s Barkada Tour, nakatakdang mag-perform si Gloc 9 sa Padi’s Shaw (May 14), Padi’s Bacoor (May 16), Padi’s Pasay Taft (May 22), Padi’s Remedios (May 30), at Padi’s Caloocan (June 14). Mapapanood naman si Shanti Dope kasama si JKris sa Padi’s Fairview (May 8), Padi’s Metro East (May 15), Padi’s Las Piñas (May 29), Padi’s Dasmariñas (June 1), Padi’s Baguio (June 19), at Padi’s Coronet (June 21). Kasama rin sa tour ang alternative rock band na Sandiwa.