outbrain

Epal na male celeb madaling masulsulan kaya laging sablay ang diskarte

By Cristy Fermin February 27,2020
share this

Epal na male celeb madaling masulsulan kaya laging sablay ang diskarte

By Cristy Fermin February 27,2020
share this

NEGANG-NEGA ngayon ang imahe ng isang kilalang male personality dahil sa diretso niyang pakikipagbanggaan sa kanyang mga kasamahang artista.

Puro galit ang inaani ngayon ng lalaking personalidad sa social media, siya rin ang palaging paksa sa mga umpukan, pinagtatawanan din ng kanyang mga kapwa artista ang maepal na male personality.

Isang kilalang male personality na hindi na gaanong aktibo sa paggawa ng pelikula ang naringgan ng mga impormante na nagsabing may mga artista d’yan na reklamo nang reklamo pero napakalaki rin naman ng pakinabang sa binibira nilang institusyon.

Kuwento ng aming source, “Siyempre, ang isa sa mga pinaringgan nu’ng kilalang male personality, e, ang aktor na akala mo kung sinong magsermon ngayon!

“Marami siyang kuda, pati nga ang mga kasamahan niyang artista, e, binibira niya, puro loose cannons na ang pinakakawalan ng taong ‘yun!

“Baril lang siya nang baril, pero wala namang direksiyon, pasensiya na lang ang tatamaan ang drama niya ngayon!” kuwento ng chikadora naming impormante.

Mahilig pala kasing makinig sa mga bulong ang male personality, naniniwala siya agad nang hindi muna nag-iimbestiga, kaya siya ang palaging nalalagay sa alanganin.

“Kapag may nagsabi sa kanya ng ganito at ganyan, e, believe na agad siya! Armas na niya agad ‘yun sa mga pagbira niya! Hindi man lang siya nag-iisip na baka hindi naman totoo ang mga bulong sa kanya!

“Basta, bira lang siya nang bira, pero ano ang resulta? Siya ang naiipit, puro sablay ang mga sigaw niya! May kumokontra agad sa mga kuda niya, pahiya tuloy siya!

“Imbestiga muna kasi kapag may time, hindi ‘yung basta nakikinig na lang siya sa mga bulong at sulsol sa kanya! Nakakahiya siya, puro sablay ang mga pinagsasasabi niya!

“Magtrabaho na lang kasi siya para meron na siyang pagkaabalahan! Mahirap ang ganyan na walang work, kung sinu-sino tuloy ang tinatrabaho niya!

“O, baka naman kasi meron na siyang nahukay na ginto sa kung saan na sobra pa sa mga pangangailangan niya? Soooo kapal!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na this! May iba pa ba naman?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending