Nanay ni female star tirador ng kumot, tuwalya sa mga hotel

HINDI malaman ng aming source kung ano ang itatawag nito sa ina ng isang sikat na female performer. Mapanghinayang ba, mapagharimunan o suwapang?

Kahit saan kasi maimbitahan ang kanyang anak ay umiiral ang kakaibang ugali ni mommy, talagang hindi siya aalis sa lugar nang wala siyang nabibitbit na kung anu-ano, naging ugali na niya ang ganu’n.

Kuwento ng aming source, “Nag-show ang anak niya sa isang malayong probinsiya. Kilalang-kilala ang place na ‘yun sa magagandnag bulaklak.

“Sa hotel na tinuluyan nila, e, magaganda ang mga bulaklak na nakalagay sa plorera. Naisip ni mommy, gegetlakin niya ‘yun kapag paalis na sila.

“Pero hindi lang ‘yun ang kinuha niya, marami pang iba, kaya kilalang-kilala siya sa hotel na ‘yun!” simulang chika ng aming impormante.

Mismong gabi na ng show, hindi na sumama ang ina ng sikat na female singer sa venue, marami pa raw kasi siyang aasikasuhin sa hotel para pagkatapos ng show ay diretso na silang magpunta sa airport.

Patuloy ng aming impormante, “Hindi na kasi sila halos matutulog pagkatapos ng show. May pameryenda ang producer nang madaling-araw, napakaaga ng flight nila pabalik sa Manila!

“Hindi na siya sumama sa show para maiayos na raw niya ang kanilang mga bagahe. Ganu’n nga ang ginawa ni mommy, maaga niyang iniayos ang mga bagahe nila!

“Biglang dumami ang dala-dala nila, nagtaka nga ang female singer kung bakit nadagdagan ang mga bagahe nila, pero hindi lang kumikibo si mommy. Deadma lang siya sa tanong ng anak niya!

“Heto na, nu’ng linisin na ng mga room boys ang hotel room na ginamit nilang mag-ina, e, naloka ang mga naglilinis! Wala na silang titikluping mga kumot, wala na silang aalising gamit na towels!

“Wala na rin ang mga magagandang bulaklak na naka-display sa table, pati ang mga sabon at iba pang mga gamit sa CR, wala na ring lahat!

“Ginetlak lahat ng mommy ng female singer ang lahat ng puwede niyang bitbitin mula sa hotel, kama lang ang hindi niya kinuha, saka ang malaking TV!

“Ganu’n siya katindi! Hiyang-hiya palagi ang anak niya sa mga ginagawa ni madir! Pero ‘yun na siya talaga, mapagharimunan siya, iniuuwi niya talaga ang lahat ng pakikinabangan niya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, baka naman ganu’n din ang gawin niya kapag sumama siya sa kasal ng anak niya sa ibang bansa!” nakatirik ang mga matang pagtatapos ng aming source.

Read more...