Kim Soo Hyun balik drama makalipas ang 5 taon

 

KOREAN word of the day: An-dwae- Sa Ingles ay “no way”. Sa atin ay “hindi maaari”.

BALIK K-drama ang Korean superstar na si Kim Soo Hyun after five years. Siya ang lead star sa “Psycho But It’s Okay”.

Kwento ito ni Moon Kang Rae isang community health worker (na gagampanan ni Soo Hyun), sa isang psychiatric ward na walang oras sa pag-ibig.

Hanggang sa magkakilala sila ng isang fairy tale writer (gagampanan ni Ko Mun Young) na may antisocial personality disorder na hindi alam ang pagmamahal dahil sa isang birth defect.

Pero babaguhin ng tadhana ang takbo ng kanilang buhay at unti-unti nilang hihilumin ang mga sugat ng isa’t isa.

Ang “Psycho But It’s Okay” ay ididirek ni Park Shi Woo na siya ring nasa likod ng mga hit dramas na “Encounter”(2018) at “Don’t Dare to Dream (Jealousy Incarnate)” (2016).

Inaasahang mapapanood ito sa unang kalahati ng taon.

 

Read more...