Jang Nara bibida sa romcom na ‘Oh My Baby’

Bibida naman ang magaling na aktres na si Jang Naea sa upcoming romantic comedy na “Oh My Baby”.

Makakasama niya rito sina Go Joon, Park Byung Eun at Jung Gun Joo.

Kwento ito ng babaeng gustong magkaanak nang hindi kinakasal. Nang sumuko na siya sa pag-ibig ay biglang may tatlong lalaking dumating sa buhay niya.

Gagampanan ni Na Ra ang karakter ni Jang Ha Ri, ang deputy department head ng isang parenting magazine. Maganda siya at dedicated sa trabaho, ngunit sinukuan na niya ang pakikipag-date.

Bagama’t sumuko na sa pag-ibig, ang hindi na susukuan ay ang pagkakaroon ng sariling anak.

Gagampanan naman ni Go Joon ang karakter ni Han Yi Sang, isang freelance photographer. Niyakap na niya ang pagiging single at ine-enjoy niya ang paghahanap ng bagong hobbies.

Ang karakter na si Yoon Jae Young ang gagampanan ni Byung Eun, isang pediatrics expert at single dad. Close friends sila rito ni Jang Ha Ri.

Si Choi Gang Eu Tteum ang karakter na gagampanan ni Gun Joo, isang newcomer sa parenting magazine. Isa siyang “icon of optimism,” at si Jang Ha Ri lang ang gusto niya.

Inaasahang mapapanood ito sa unang kalahati ng taon.

Kabilang sa hit series ni Na Ra ang VIP (2019), The Last Empress (2018), Go Back Couple (2017), Hello Monster (2015) at Fated Love You (2014).

Read more...