Drug test sa driver ibalik

MATAPOS ang serye ng mga aksidente na kinasasangkutan ng adik na driver, ipinanukala ni House committee on transportation chairman Edgar Mary Sarmiento ang pagbabalik ng mandatory drug testing sa mga kumukuha ng lisensya.

Sinabi ni Sarmiento na maaaring amyendahan ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act (RA 10586) upang maging mandatory ang drug testing sa mga kumukuha ng lisensya.

“If we cannot implement this for everyone, the requirements should be at least more stringent to those who earn their living from the transportation sector,” ani Sarmiento.

Noong nakaraang linggo ay nasawi ang isang Grade 8 student at sugata ang pitong iba pa ng araruhin ng jeepney na minamaneho ng isang self-confessed addict sa Makati City.

“Ibalik natin ang mandatory drug testing na inalis natin noong 2013 dahil sa RA 10586, lalo na sa mga may hawak ng manibela sa pampublikong sasakyan at sa mga trucks,” dagdag ng solon.

Ayon kay Sarmiento noong 2017, 31 tao ang namamatay kada araw dahil sa mga aksidente na kinasasangkutan ng mga driver na kung hindi lasing ay gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

“The implications of the use of illegal drugs by our PUV drivers is a no laughing matter. We are entrusting this person with the lives of hundreds of passengers, pedestrians, and other road users per day. For each time that a person drives their vehicle while high on drugs, the risks that the ordinary citizens are being subjected to are incalculable,” saad pa ni Sarmiento.

Kung pinalawig man umano ang validity ng lisensya mula tatlong taon ay ginawang lima hanggang 10 taon, dapat ay mas gawin ding mahigpit ang pagkuha nito.

Read more...