Robin, Phillip ‘kontra’ sa pagpapasara sa ABS-CBN

NILINAW ng magkaibigang Robin Padilla at Philip Salvador na gusto nilang mapasara ang ABS-CBN bilang pagpapakita ng suporta kay President Rodrigo Duterte.

Present ang dalawang aktor na kilalang kaalyado ni PDuterte sa nakaraang Senate hearing tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN na dinaluhan Kapamilya network top executives.

Ayon kay Binoe, hindi siya pabor sa panawagan ng marami na huwag nang bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN para hindi na ito makapag-operate.

“Katapusan ng pelikulang Pilipino ‘yan. Bakit ako… hindi. Hindi ho ganu’n,” aniya. Dagdag pa ni Robin, kahanga-hanga ang ginawa ng network na aminin ang kasalanan at pagkukulang nito sa kampo ng pangulo noong 2016 campaign period.

“We were sorry if we offended the President. That was not the intention of the network. We felt that we were just abiding by the laws and regulations that surround the airing of political ads.

“Today, we want to make a categorical statement together with our chairman Mark Lopez that ABS does not and will not have its own political agenda,” pahayag ni ABS-CBN President Carlo Katigbak.

“‘Yun ‘yung pinakamagandang narinig ko. ‘Yun ‘yung hallelujah sa tenga ko, eh,” sabi naman ni Binoe.

Ayon naman kay Phillip, “At least nadinig nating lahat. So, ang puso ng presidente, malawak, at ang kanyang pag-iisip.”

Read more...