Na-miss din naming katsika ang former The Hunks member at reality show host na Kaya Mo Ba To? sa ABS-CBN na si Carlos Agassi.
Muli naming nakausap si Carlos sa launch ng bagong Guitar Apparel na dating kilala lang sa paggawa at pagbebenta ng mga underwear and undershirts. Ginanap ang launch via a fashion show sa Robinson’s Place Manila sa Malate.
Sa true lang, kung hindi man pinakauna, e, pinakamatagal na celeb endorser ng Guitar si Carlos. Kasama na rin niya rito sina Maja Salvador at Gloc 9.
Hindi naman nawala sa circulation si Carlos. May mga nilalabasan pa rin siya na mga TV projects ‘di man sa Dos, e, sa ibang TV networks. Kaya kung aalukin muli ng Dos sa kanilang ga programa, he’s more than willing to do it.
“Hindi naman ako mapili. Kasi nanghihinayang din naman ako. Kapag may ibinigay naman po sila, tinatanggap ko,” lahad ni Carlos.
In fairness kay Carlos, hanggang ngayon ay ‘di pa rin nagbabago ang kanyang katawan. Na-maintain niya ang pagiging fit at hunky.
“Sexy roles? Actually, inaalaok nila ako, 40 na ako and I’ve been doing this for what, like 24 years? I mean, I still look the same but, like the shirt, same size pa rin naman. Kaya pwede naman,” aniya.
Wish niyang makatrabaho sina Daniel Padilla, Enrique Gil at Liza Soberano. Kahit daw daddy ang role okey lang sa kanya.
Of course, natanong din namin siya tungkol sa lovelife, “Ah, wala tayo diyan. Hanggang ngayon dating pa rin, e. Kasi ano, e, choosy masyado. Ha-hahaha! And I believe in love’s compatibility. Kung all the stars aligned, nag-click kayo, eventually, magigig kayo, eh.
“So far, wala pa. But hopefully, dumating na. Kasi, 40 na ako. I would want to be having at least two kids before 50, you know. I don’t have a wife (yet),” sabi ni Carlos.
It doesn’t matter kung taga-showbiz o hindi ang magiging girlfriend niya or wife, “But hopefully, gusto ko non-showbiz. Para kung nagwo-work ako, gusto ko hands-on siya sa magiging anak namin. And, kung ako siya naman ang normal job nya, ako naman ‘yung hands-on.
“Kasi, iba ‘yung values na maipapasa mo sa bata kapag kayo mismo ang nagpalaki. Kasi kung mga nannies lang, titos, titas, yung mga traits parang sa kanila yung makukuha,” lahad pa ni Carlos.