#Epal: Matabang veteran actress bugbog-sarado sa fans ng sikat na female star

PINUPUPOG ngayon sa social media ang isang veteran actress na sobra sigurong maluwag nang schedule isang araw kaya nagdesisyon siyang makisawsaw sa isang kontrobersiyal na isyu.

Pero nagkamali ang nagkakaedad nang female personality, ang napagtripan niyang kuwestiyunin ay isang pamosong babaeng personalidad na may matinding hukbo ng mga tagasuporta, tuloy ay nakita ng veteran actress ang ayaw niyang makita.

Kuwento ng isang source, “Kasi naman, nagpapakalalim! Ayan tuloy ang inabot niya, bash kaliwa’t kanan! Kung bakit naman kasi nakisali pa siya, e, wala naman siyang alam!

“Kinakampihan niya kasi ang mga sigaw ng isang action star na kung anu-ano ang mga banat na ipinupukol sa mga kasamahan niyang artista!

“Pero nagkamali ng post ang veteran actress, kalabanin ba ang isang female personality na tahimik lang at basta tumutulong sa mga nangangailangan?” unang kuwento ng aming impormante.

Tuloy ay may naalala ang mga bashers, nagbalik sila sa nakaraan, bumida kasi nu’n ang nasabing veteran actress sa isang sex video.

“Akala siguro niya, e, nakalimutan na ng buong bayan ang pinagbidahan niyang sex video! Siya ang original sa ganu’ng linya, siya ang unang-unang nagkaroon ng sex video!

“Ang ganda-ganda pa ng katawan niya nu’n, very beautiful pa ang body niya, hindi tulad ngayon na masyuba na siya! Doble na ang laki niya, nagkaedad na rin siya.

“‘Yun ang mahirap sa mga personalidad na nakikisawsaw, binabalikan ng mga bashers ang nakaraan nilang kartada! Tulad ng girl na ‘yan na nakita nu’n ng buong bayan na kakuyangyangan ang isang guy na politician na ngayon!” ariba pa rin ng aming source.

Makulay ang lovelife ng veteran star na ito. Nagkaroon siya ng boyfriend na basketbolista, naging karelasyon din niya ang isang male singer na may matinding sex appeal, saka isang sikat na negosyanteng saksakan nang yaman.

“Puwede ba, makisawsaw siya kung walang alam ang mga kababayan natin tungkol sa nakaraan niya! E, nand’yan pa rin ang lihim niya, buhay na buhay pa rin, kaya shut up na lang ang payo sa kanya ng mga hindi nagkagusto sa pakikialam niya!

“Nasaan na ang body beautiful niya? Meron pa ba? Waley na!” pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sino ang beteranang female personality na ito!

Read more...