APAT na araw matapos ang pinag-usapang secret wedding nila ni Matteo Guidicelli, back to work na agad si Sarah Geronimo.
Kahapon, nag-post ng update sa social media ang ilang katrabaho ng Popstar Royalty sa The Voice Teens ng ABS-CBN tungkol sa pagre-report uli nito sa taping ng nasabing reality singing contest kung saan isa siya sa coaches.
Kung matatandaan, bago maganap ang kasal nina Sarah at Matteo noong Huwebes, nag-taping muna siya para sa The Voice Teens kaya inakala ng madlang pipol na fake news ang AshMatt wedding. Ito’y base na rin sa video na ipinost ng The Voice Teens staff.
Kahapon, makikita sa isang video na ipinost ni @jumarjomar si Sarah na nakasuot ng pink close-neck sweatshirt na all out ang smile. Maraming nagsabi na blooming at mukhang maligayang-maligaya naman ang bagong kasal.
Maririnig din sa video ang pagbati niya ng “Hi, good morning!” Tumawa naman ang Popstar Royalty nang may magbiro na baka mag-viral uli ang kanilang video na sinagot ni Sarah ng, “Nag-viral ba?”
Nakalagay naman sa caption ng video ang, “From ‘good morning’ video nung wedding day to ‘good morning Mrs. Guidicelli’ na today!!! SHE’S SO HAPPY!!! [heart emojis]. WE’RE SO HAPPY FOR HER AND MATT!!!”
Bukod dito nag-tweet din ang nag-upload ng video tungkol sa usapan nila ni Sarah matapos ang kasal nila ni Matteo. Ayon sa singer-actress binati raw niya ang kanyang mister ng, “Good morning, asawa ko.”
Sa tweet naman ni Carlo Yanesa, sinabi nitong super kinikilig si Sarah kapag tinatawag siyang misis, “Eto na nga. Napagkwentuhan namen ni Sars na nagviral ung vid. Tinawanan ako. Naabangan daw kasi [ang kasal].”
May isa pang litratong kumalat sa social media kahapon na kuha sa studio ng The Voice kung saan dumalaw nga kahapon ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Naroon din dalawa pang coach ng The Voice Teens na sina Lea Salonga at Apl.de.Ap.