Tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng blessings sa P-Pop group na SB19 ngayong 2020. Hindi lang dito sa bansa gumagawa ng pangalan ang grupo kundi maging sa international music scene.
At sa kabila nga ng kasikatan ng SB19 na binubuo nina Sejun, Josh, Justin, Ken at Stell, nananatili pa rin silang humble and grounded kaya naman mas lalo pang dumarami ang kanilang fans, any ATI’Ns.
Ayon kay Justin, marami pa silang sorpresa para sa fans this year, Marami pa po kaming ilalabas sa aming social media accounts. And of course, our remaining free concerts po nationwide.
“Kasi actually naka-four na concerts na po kami. We’re planning to go to six cities pa po this year. So we’re very excited kasi pinaghahandaan na po namin ‘yun,” aniya pa sa panayam ng ABS-CBN.
Ibinalita naman ni Josh na malapit nang matapos ang kanilang debut album, “Marami pa po kaming surprises. Pero hindi pa po namin pwede i-announce ‘yung mga details Pero in the near future, maraming songs. Magri-release din po kami ng first full-length album ng SB19.
“Marami rin kaming songs du’n na hindi pa nari-release. Kahit hindi pa siya nari-release, marami na kaming revisions,” dagdag ni Josh.