Sasakyan ni Kuya Kim nasunog, asawa nakaligtas

WASAK at sunog na sunog ang sasakyan ni Kim Atienza na naka-park sa Bonifacio Global City sa Taguig nitong Linggo.

Sa Instagram post ni Kuya Kim, makikita ang kanyang Range Rover na nasa tabing kalsada kahilera ng iba pang sasakyan na halos maabo na matapos lamunin ng apoy.

Nagpasalamat naman si Kuya Kim na walang masamang nangyari sa asawa niyang si Felicia. Hindi na idinetalye ng TV host kung ano ang nangyari at bigla na lang nag-apoy ang sasakyan.

“Thank you Lord [Felicia] wasn’t hurt on her birthday! This car served us well. Bye bye Rangie,” caption ni Kuya Kim sa kanyang IG post.

Ilang celebrities naman ang nagpahatid ng kanilang mensahe kay Kuya Kim at sa asawa nito kabilang na sina Angel Locsin, Gary Valenciano at Vhong Navarro. Nagpasalamat sila sa Diyos na pareho silang ligtas sa sakuna.

Read more...