SINABI ng Palasyo desisyon ni Pangulong Duterte kung tatanggapin ang pagso-sorry ng ABS-CBN matapos naman itong ipanukala ni Sen. Lito Lapid.
Sa isang briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na alam naman ng ABS-CBN na may atraso ito kay Duterte.
“Di ba yun ang sinabi ko sa programa ni Karen? Yun nga ang sinasabi ni Presidente, alam nyo na may atraso kayo, may ginawa ba kayo? Wala. ‘Yun ang tinatawag nyang hubris, masyado kayong mayabang,” sabi ni Panelo.
Ito’y matapos namang ipanukala ni Lapid sa pagdinig ng Senado na humingi na lang ng paumanhin ang ABS-CBN kay Duterte kung may maling nagawa ang network.
“…Na kay Presidente yun. Matapos na nangyari yun, kumbaga kung di nag-alburuto sa ‘yo, saka ka lang hihingi ng paumanhin,” dagdag ni Panelo.
Ayon pa kay Panelo, personal na desisyon ni Duterte kung tatanggapin ang sorry. I don’t know how to respond to that. It’s a personnal decision.
“Hindi ko alam. Na kay Presidente yun… how will he will respond to that,” ayon pa kay Panelo.