1 patay, 3 sugatan sa aksidente sa Legazpi City

PATAY ang isang lalaki, samantalang sugatan ang tatlong iba pa matapos ang salpukan ng isang tricycle at isang cargo truck sa Legaspi City Linggo ng gabi.

Sinabi ni Senior Master Sergeant Henry Mirafuentes,  ng Legazpi City police, na dead on the spot si Nino Mula, 20,  residente ng Barangay  San Roque, matapos ang banggaan ng sinasakyan niyang tricycle at trak sa Barangay Cabangan ganap na alas-11:15 ng gabi.,

Sugatan naman ang live-in partner ni Mula na si Princess Nikki Aquino, 18; ang kanjlang isang-taong-gulang na anak at si Loiue Sodsod, 39,  ang driver ng tricycle.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nag-overtake ang trak na minamaneho ni Samuel Mabini sa isa pang sasakyan, dahilan para banggain niya ang paparating na tricycle na nasa kabilang linya.

Inaresto si Mabini at nakakulong habang inihahanda ang mga kaso laban sa kanya.

Read more...