Kasal nina Sheena Halili at Jeron Manzanero star-studded; Kapamilya, Kapuso nagsama-sama

STAR-STUDDED ang bonggang wedding ni Kapuso actress Sheena Halili at ng abogadong si Atty. Jeron Manzanero.

Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa kahapon, Feb. 23, sa The Blue Leaf Cosmopolitan, Quezon City.

Nagsanib-pwersa ang mga Kapamilya at Kapuso stars sa super special day nina Sheena at Jeron.

Ilan sa mga tumayong celebrity bridesmaids ni Sheena ay ang mga GMA 7 stars na sina Maine Mendoza at Chariz Solomon at ang Star Magic talent na si Ria Atayde.

Present din sa kasal bilang secondary sponsors sina Marian Rivera (candles), Camille Prats (veil), Jennylyn Mercado and Pasig City Mayor Vico Sotto (cord).

Isa naman sa mga naging principal sponsor ay ang veteran actress na si Coney Reyes. Present din sa wedding sina Dennis Trillo, Julius Babao, Christine Babao, Dingdong Dantes, Jolina Magdangal at ang Songbird na si Regine Velasquez na nag-alay ng kanta para sa bagong kasal.

Sheena and Jeron first met in 2017 sa pamamagitan ng isang blind date na sinet-up ni GMA Assistant Director Carlo Canu. At noong Nov. 28, 2018, pormal ba ipinakilala ni Sheena si Jeron as her boyfriend.

They got engaged on Aug. 26, 2018 nang mag-propose si Jeron sa loob ng sinehan sa Greenhills Shopping Center, San Juan, kasama ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Read more...