Produksyon ng teleserye problemado sa ‘bida attitude’

MARAMI-RAMI na ring episodes ang naibanko ng produksiyon ng aabangang teleserye. Tampok doon ang isa sa mga mahusay na artista.

Pero gaano katotoo na problemado sa kanya ang produksiyon dahil sa kanyang work attitude na hindi na bago sa kanyang mga nakatrabaho?

“May sarili siyang cut-off time,” pagbubuko ng aming kausap whose source is from the production team.

Ang alam kasi namin, the latest na inira-wrap up ang taping ay alas dose ng hatinggabi, with the exception—of course—ng mga batang cast members who are sent much earlier.

By much earlier ay kasusulpot pa lang ng mga bituin sa langit.

Read more...