OBVIOUSLY, ang pagkakapareho nina Phillip Salvador, Cesar Montano at Robin Padilla is that all three of them are identified with the Duterte administration.
Proven na ‘yung ilang mga biyaheng sinamahan nila in recent past, whether official or otherwise. Nakadikit man ang kanilang mga pangalan sa Pangulo, tahasan nilang sinasabi na hindi nila inaabuso ang kagandahang-loob nito.
The disparity though lies in Robin’s turning against their common TV station na nagkanlong sa kanilang tatlo.
As we write this, tahimik lang sina Phillip at Cesar sa usapin tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN na napipintong hindi na maire-renew. Nor do Phillip and Cesar have anything to say tungkol sa pamamalakad ng istasyon as regards its employees and artists.
Tanging si Robin lang has enough guts to unload off his shoulder ang kung tutuusi’y matagal na naman pala niyang sentimyento, pero ngayon lang isiniwalat.
A utopian industry, ito ang tila gustong mangyari ni Robin, bagay na kahit nasaan pa man siya will make it hard for him to find. Gobyerno ngang pinaniniwalaan niya, napakalayo sa larawang ito, ‘no!
Yaman din lang pala that Robin’s heart bleeds for the oppressed TV workers, magpaka-fulltime na siya bilang bayani ng industriyang ito who will champion their cause.
How about setting up a TV workers’ union na siya ang lider, setting aside his bida roles sa mga palabas and come out as a real hero sa tunay na buhay?
Sa kanya na rin nanggaling that he has done acts of charity mula sa sarili niyang bulsa, why rely on a station whose help falls short of the workers’ expectations? Eh, ‘di sa kanya na mag-umpisa.
Robin’s aria is ill-timed as it is out of line. Renewal ng prangkisa ang mainit na pinag-uusapan ngayon, why introduce a topic na wala naman sa agenda?
It should either be an affirmative or a negative vote, for or against it. Ganu’n lang ‘yon kasimple without dredging up the past, connecting it to the present and predicting the future as if hindi rin siya ang makikinabang.
Mas katanggap-tanggap pa kung nanggaling ‘yon mula sa mga nagsilayasan sa ABS-CBN at lumundag sa ibang bakuran whose grass they perceived was greener.
But coming from Robin na bukod sa kanya ay meron pang mga kaanak na bahagi ng istasyon?
Isasahalimbawa na lang namin si Kris Aquino whose fate we all know. Pero ni minsan ba, sa kabila ng pagkawala niya sa ABS-CBN, have we heard her speak ill of the station?
Puwes, pahupain lang ‘yang usapin na ‘yan, go get Kris back!