Ricky Reyes sa relasyong Vice-Ion: I’m happy for him, just enjoy the moment!

NAGBIGAY ng kanyang pahayag ang hair saloon tycoon na si Mother Ricky Reyes sa renewal of franchise ng ABS-CBN.

“For me, law is law. Ito ay malupit, pero, eto ay law. Kailangang sundin ng lahat,” diin ni Mother Ricky nu’ng makausap namin sa Child Haus recently.

Naniniwala naman si Mother Ricky na mapagtatagumpayan ng Kapamilya network ang kasong isinampa sa kanila sa Supreme Court lalo pa’t kung may sapat na ebidensya naman ang management.

“Kung expired, expired. Then, you have to re-apply. Kung na-approve, okey. Kung hindi, pasensyahan. Ganoon lang naman yan, e. Sabi nga, masakit ang batas. Pero kailangang sundin,” aniya pa.

Pero kung may na-violate na batas ang Dos, kailangan sumunod kung ano ang itinakda ng batas, “Well, you know, politics is politics. If you’re going to stand on my way, sorry, tsuk ka. Pero kasi, ang nagpapatakbo ng politics, media, dyaryo.

“Some people got lucky, some people don’t. Pero siguro naman may kanya-kanya silang rason. May rason ang ABS-CBN meron din ang gobyerno. And let’s see kung saan patungo. Kung tuloy, e, di well and good. Kung hindi, you have to know why,” sabi pa ni Mother.

May say din si Mother Ricky tungkol sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho kapag naipasara ang Kapamilya network.

“E, nu’ng kami (CHILD HAUS), isinara ng PCSO, pero heto nandito pa rin kami. Hindi ba’t may kasabihan, kapag may nagsara na 10 pintuan, may magbubukas na 20 bintana. Tataas ‘yan lahat. There’s always an opportunity. Mabubuhay at mabubuhay din yan, gaya ng mga bata na naiiwan ng kanilang mga magulang,” lahad pa niya.

Last year, lumikha ng ingay si Mother Ricky dahil sa inilabas niyang opinyon at damdamin tungkol sa SOGIE Bill. Tutol siya rito at sinabing makuntento na ang LGBTQ community sa kung anong isinasaad ng mga batas ngayon.

Inalam naman namin kung offended ba siya sa tila pananandya ng gay TV host na si Vice Ganda sa pagsusuot ng bestida pagkatapos niyang sabihin na sana’y iwasan na ng mga beki na magsuot ng bestida o mga pambabaeng kasuotan.

“Ay, hindi. Ang bongga nga niya dahil nagagawa niyang magsuot ng bestida sa show niya. Hindi lahat ng kagaya namin nabibigyan ng ganyang chance. At saka, okey nga yun e, sa trabaho naman niya ginagawa,” sagot ni Mother.

Happy din si Mother sa relasyon ni Vice sa co-host nila sa It’s Showtime na si Ion Perez, “I’m happy for him. I’m happy for the both of them. Ang masasabi ko lang, just enjoy the moment. At kung hanggang saan ‘yan, no one knows. Basta, enjoy lang.”

Read more...