Walang brownout sa tag-init pero…

INANUNSYO ng Department of Energy na walang mararanasang brownout sa tag-init sa bansa.

Ayon kay DoE Electric Power Industry Managemenr Bureau director Mario Marasigan, base sa kanilang projection ay hindi magkakaroon ng red alert o sobrang pagnipis sa suplay ng kuryente mula Abril hanggang Hunyo.

Pero, dagdag niya, posible pa ring magkaroon ng brownout sakaling magkaproblema sa mga planta ng kuryente.

Samantala, sinabi ng opisyal na dahil ng paglobo ng populasyon sa bansa ay dumarami na ang gumagamit ng cooling system tulad ng air-condition.

Isa aniya sa pinakamalakas kumonsumo ng kuryente ay ang mga malalaking mall na tambak Ang cooling systems.

Read more...