DINAKIP na ng pulisya ang Chinese na dumura sa loob ng isang fast food restaurant sa kamakailan sa Maynila.
Nag-viral ang video ng suspek na si Jinxiong Cai, 35, na mula sa mainland China, matapos mag-eskandalo at dumura sa isang fast food restaurant sa bahagi ng Masangkay.
Sinabi ng Manila Public Information Office na nasakote na ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team ang suspek.
Kakasuhan ang Intsik ng grave scandal, unjust vexation, at malicious mischief.
MOST READ
LATEST STORIES