Dyowang aktor ng kilalang aktres hindi marunong magselos | Bandera

Dyowang aktor ng kilalang aktres hindi marunong magselos

Reggee Bonoan |February 24,2020
facebook
share this

Dyowang aktor ng kilalang aktres hindi marunong magselos

Reggee Bonoan - February 24, 2020 - 12:25 AM

MARAMING bumilib sa boyfriend ng isang kilalang aktres dahil sobrang supportive nito kahit na maraming fans ang may ayaw dahil may iba silang gusto para sa dalaga.

Ang kasalukuyang ka-loveteam ng aktres ang gusto ng fans at talagang trending sila parati sa tuwing magkasama sa mga guesting, TV commercial at iba pang projects. Alam ito ng boyfriend ng dalaga pero okay lang sa kanya dahil katwiran siya ang mahal nito.

In fairness kapag may panayam sa magka-loveteam ay kilig-kiligan talaga sila. Sweet din sila sa isa’t isa na ilang beses nang nahuli off-camera na pino-post naman sa social media ng fans para malaman ng boyfriend ng aktres na hindi siya gusto ng mga ito.

Pero imbes na mapikon ay natutuwa at proud pa si boyfie dahil ibig sabihin ay patuloy lang na gumaganda ang career ng kanyang GF.

Nag-aartista rin ang boyfriend ni aktres pero wala siyang permanenteng ka-loveteam at hindi rin naman niya pangarap na makasama ang kasintahan sa isang project. Pero sa isang panayam sinabi nito na kung bibigyan sila ng project ay okay lang, pero ‘yung siya mismo ang magsasabi sa producers ay hindi niya gagawin.

In fairness hindi pa nabalitang nag-away ang magdyowang aktor at aktres dahil parehong malawak ang pang-unawa nila sa isa’t isa lalo na sa mga taong nasa paligid nila.

Hindi katulad sa nakaraang karelasyon ng aktres na halos araw-araw ay laman sila ng blind items sa social media dahil laging nahuhuling nag-aaway.

“Nagkaroon na ng peace of mind si ____ (aktres), mabait naman kasi si ____ (boyfriend) kaya wala silang isyu,” say ng aming source.

Teka, type ba ng aktres ang ka-loveteam niya? “Kinikilig naman, pero iba kasi ang bulong ng puso niya, eh.”

Sabagay, sabi rin naman ng aktor na ka-loveteam ng aktres ay trabaho muna ang uunahin niya at saka na ang lovelife kapag handa na siya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending