3 Kapuso hunk sa DOTS gabi-gabing pulutan ng mga beki

BUKOD kina Dingdong Dantes at Rocco Nacino, may tatlo pang Kapuso actors na kasama sa Descendants of the Sun ang talagang inaabangan gabi-gabi ng mga beki.

Ginagawang pulutan at ulam ng mga bading every night sina Paul Salas, Prince Clemente at Jon Lucas dahil sa mga pa-yummy scenes ng mga ito sa DOTS bilang mga sundalo. Nakatutok talaga sila sa tatlong Kapuso hunks lalo na kapag nakahubad na ang mga ito.

Comment ng isang beking viewer, “Lagi kaming busog after DOTS! Hindi na kami nauubusan ng ulam kanin na lang lagi ang kulang dahil sa pa-abs at pa-muscles nina Prince, Paul at Jon! Iba rin!”

Kaya naman pala laging trending at hataw sa ratings game ang DOTS gabi-gabi. Kaya tutok na sa Pinoy version ng Descendants of the Sun after Anak ni Waray Vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

 

Read more...