NA-SHOCK din ang international singer-actress at The Voice Philippines coach na si Lea Salonga nang kumalat ang balita na kasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Ayon kay Lea, kahit silang mga kasamahan ni Sarah sa The Voice Teens ay walang kaalam-alam na nagaganap na pala ang wedding ng dalawa sa Shangri-La Hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City.
“I am shocked. None of us knew!” ang pahayag ni Lea sa panayam ng ABS-CBN. “None of us on the show, none of us from the network knew, but I’m happy… happy for her,” dugtong ni Coach Lea.
Bumilib din ang Kapamilya singer sa galing nina Sarah at Matteo na ilihim ang kanilang pagpapakasal sa kanilang mga katrabaho, sa publiko at sa mga taong malalapit sa kanila at kahit sa mismong mga magulang ng Popstar Royalty.
“To be able to pull it off, that’s a feat. That is a crowning achievement for both of them na talagang naisikreto nila na who to trust. This guy really loves her,” pahayag pa ni Lea.
Hindi lang si Lea ang nagulat sa pagpapakasal ng AshMatt kundi pati na ang iba pa nilang kasamahan sa showbiz. Kasabay nito, bumaha naman ng pagbati sa social media para sa bagong kasal kabilang na ang mga malalapit niyang kaibigan.
Tweet ni Mark Bautista, “The power of love.At the end of the day, real love wins.”
Mensahe naman ni Christian, “Congratulations to @JustSarahG and @mateoguidicelli on your wedding. Kat and i are happy for the both of you! And we are here for you [praying emoji].” Ang tinutukoy niyang Kat ay ang kanyang misis.
May payo naman si Marvin Agustin sa AshMatt, “Congrats Matteo & Sarah! Walang madaling relasyon pero nagiging payapa at maayos ang pagsasama pag kayong dalawa ay mangangakong magkakampi hanggang dulo. Very very happy for you guys.”
Pati ang ABS-CBN news anchor na si Karen Davila ay super happy sa naganap na kasalan, “I am so happy for Matteo & Sarah!! You’re both adults, inlove, committed for years now…. you have every right to fight for your happiness [heart emoji] #SarahMatteoWedding.”
Sa isang panayam naman, sinabi ni Ogie Alcasid na wala rin siyang alam sa secret wedding nina Sarah at Matteo, “Clueless po ako. Sarah, you know how much we love you. We are praying for you all the time. Let love reign in all aspects of your life and that includes everybody.”
Last Thursday naganap ang secret wedding ng AshMatt na dinaluhan ng pamilya ni Matteo at ng ilang kamag-anak ni Sarah.
Walang halos nakakaalam ng kasalan hanggang sa bumandera ang balita na sinuntok umano ni Matteo ang bodyguard ni Sarah habang ginaganap ang reception ng wedding.
Ayon sa blotter ng pulista, sinuntok daw ni Matteo sa lalamunan ang bodyguard ni Sarah matapos ibigay kay Mommy Divine ang location ng kasalan. Hindi na raw magdedemanda ang biktima.
Pero kamakalawa, mariing idinenay ni Matteo na may sinuntok siya sa kasal nila ni Sarah G.