Mansiyon ni Andrea malapit nang matapos; naka-8M na sa Instagram

TUWANG-TUWANG ibinandera ng Kapamilya teen star na si Andrea Brillantes sa madlang pipol na umabot na sa 8 million ang followers niya sa Instagram.

Walong taon na ang nakararaan nang mag-open si Andrea ng Instagram account at taun-taon ay nadadagdagan ang kanyang followers. Mas bumilis pa ang pagtaas ng kanyang IG fans nang bumida siya sa phenomenal series na Kadenang Ginto sa ABS-CBN.

At nito ngang weekend, in-announce ng young actress na na-hit na niya ang 8 million followers mark, “Happy 8M to all of us! Never thought I’d reach this much Thank you!”

Isa si Andrea sa mga itinuturing ngayong role model ng mga kabataan dahil na rin sa dami ng kanyang accomplishments sa murang edad. Bigla ring dumami ang projects niya nang itambal siya kay former PBB teen housemate Seth Fedelin sa Kadenang Ginto.

Proud din niyang ibinalita na malapit nang matapos ang kanyang 3-storey house na aniya’y katas ng success ng Kadenang Ginto.

“Dati extra-extra lang ako, ‘yung wala akong tent, wala akong upuan. Pero alam ko na gusto ko na magkaroon ako ng bahay para sa buong pamilya ko. Nu’ng dumating sa akin ang Kadenang Ginto, dito ako nagkaroon ng endorsements, blessings na ilang years ko na pong ipinagdarasal,” pahayag ni Andrea.

Samantala, enjoy na enjoy naman ang dalagita pati na ang mga kasamahan niya sa Gold Squad na sina Seth, Kyle Echarri at Francine Diaz sa guesting nila sa I Can See Your Voice last Saturday.

Walang ginawa ang apat na bagets kundi ang magtawanan sa mga pamatay na hirit ng mga Sing-vestigators na kinabibilangan nina Andrew E, Kalad Karen, Wacky Kiray, Bayani Agbayani, Jobert Austria at Alex Gonzaga.

Kahit nga ang host ng ICSYV na si Luis Manzano ay hindi mapigilan ang tawa sa mga punchlines at paandar ng kanyang mga kasamahan sa show, lalo nang humirit pa si Wacky na kamukha niya si Andrea nu’ng kabataan niya! Ha-hahaha!

Anyway, sa unang bahagi ng programa ay nagpakitang-gilas ang Gold Squad sa panghuhula kung sinu-sino ang mga Seen-tunado sa mga contestants pero sa ending sablay ang kanilang napili na sa paniwala nila ay certified See-nger.

Ang nanalo ng P25,000 ay si Rose Roxas na empleyado sa isang private company pero siya’y proud na Seen-tunado. Aniya, nakatuwaan lang niyang sumali sa ICSYV nang makita ang audition call habang nanonood ng Showtime.

 

Read more...