Headband ni Heart sa Paris Fashion Week binili sa Quiapo: 4 for P70
Ibinandera ng Kapuso TV host-actress na si Heart Evangelista ang mga ginamit niyang headband sa ginanap na Paris Fashion Week 2020 recently.
Sa kanyang latest vlog na kuha sa nasabing fashion event sa Paris, naibahagi ni Heart ang nakakatuwang kuwento tungkol sa gold headband na isinuot niya sa Georges Hobeika show. Talagang napa-wow ang audience na mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo sa kanyang mga OOTD.
Caption niya sa litrato nila ni Georges Hobeika kung saan suot niya ang kanyang gold headband, “I had the most magical time at @georgeshobeika’s show! Their team took such good care of me and made me feel so, so special. Thank you to you all at @georgeshobeika. #PFW”
Ayon sa misis ni Chiz Escudero, ang headband na ginamit niya sa show ay mula sa isang tindahan sa Maynila, “So this is the quiapo headband, P70 for four pieces. Nakarating na siya ng Paris.”
Base sa video at mga litrato na ipinost ni Heart, hindi mo aakalaing P70 lang ang halaga ng suot niyang accessory. Talagang bumagay ito sa kanyang immaculate designer OOTD. Iba rin talaga ang fashion sense and style ng Kapuso actress, di ba?
In fairness, kahit siguro P20 per tumpok pang mga accessory ang isuot ni Heart ay magmumukha pa ring sosyal at mahal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.