Rocco tuloy sa pagpapa-yummy; #CoupleGoals ng ‘DieRa’ patok sa DOTS

ROCCO NACINO AT JASMINE CURTIS

Hindi pa sapat sa Kapuso actor na si Rocco Nacino ang intense military training na pinagdaanan nila bilang preparasyon sa kanilang mga karakter sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Descendants of the Sun.

Sa katunayan, tuloy pa rin ang binata sa pagpapabatak sa gym! Bilang dating nurse, health-conscious talaga si Rocco kaya naman sinisiguro niyang balanse ang kanyang lifestyle.

Sa recent Instagram post ng Kapuso hunk, nag-flex si Rocco ng kanyang biceps na may caption na, “Work your ass off. No excuses.” Mapapanood bilang Technical Sgt Diego Ramos o Wolf si Rocco sa Descendants of the Sun kung saan inaabangan ang mga kilig scenes nila ni Jasmine Curtis bilang Captain Moira Defensor. Sa katunayan, may sarili na ring hukbo ng fans ang kanilang tambalan na tinawag na RocMine o DieRa na pinagsamanag Diego at Moira.

Marami pang kilig highlights sa DOTS ang Diera na siguradong magpapasabog ng good vibes sa lahat ng manonood. Kaya tutok lang gabi-gabi sa DOTS sa GMA Telebabad after Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday.

Read more...