Church wedding nina Sarah at Matteo kasado na

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

Nagmistulang gatecrasher si Mrs. Divine Geronimo sa biglaang pagpapakasal ng kanyang anak na si Sarah at sa boyfriend ng Popstar na si Matteo Guidicelli.

Sabi nga sa isang nursery rhyme, matalino man ang matsing ay napaglalalangan din, nalusutan ni Sarah ang kanyang mga magulang.

Walang kaalam-alam si Mommy Divine na nu’ng nakaraang Huwebes, February 20, ay nakatakda na palang makipagpalitan ng “I do” ang kanyang anak sa kinokontra niyang mapapangasawa nito.

Nandu’n ang buong pamilya ng groom, pero walang sinumang nandu’n mula sa pamilya ng bride, natunugan lang ni Mommy Divine ang kasalan sa pamamagitan ng bodyguard ng kanyang anak na nagbigay sa kanya ng impormasyon.

Pero huli na ang lahat, tapos na ang seremonya nang makarating sa Shangri-La Hotel sa BGC si Mommy Divine, divine intervention ang nagwagi at hindi si Mommy Divine.

Legal ang prosesong pinagdaanan ng pagpapakasal nina Matteo at Sarah, pareho na silang nasa wastong edad para lumagay sa tahimik, kaya wala nang habol ngayon sina Mang Delfin at Mommy Divine sa desisyong ginawa ng sikat nilang anak.

Ayon sa aming source ay nakaplano na ang church wedding nina Matteo at Sarah, kinailangan lang nilang iraos itong civil wedding, para makalaya na ang singer-actress sa sobrang pagkontra ng kanyang mga magulang kay Matteo.

Ano pa nga ba ang masasabi natin ngayon kundi mabuhay ang mga bagong kasal!

Read more...